Sa news briefing pagkaraang ipinid ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, ipinagdiinan ni Premyer Li Keqiang ang paninindigan ng Chinese mainland sa isyu ng Taiwan, na paggigiit sa simulaing Isang Tsina at “1992 Consensus.”
Saad ni Li, sa ilalim ng ganitong paunang kondisyon, winewelkam ng bansa ang pakikipagpalitan sa anumang partido at grupo ng Taiwan, at pakikipagdiyalogo sa iba’t ibang partido, paksyon at personahe ng Taiwan ukol sa relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at kinabukasan ng nasyong Tsino.
Aniya, inilunsad ng pamahalaang sentral ang maraming patakarang nakakapaghatid ng benepisyo sa mga kompanya at kababayang Taiwanes. Sa hinaharap, patuloy na hahayaan ang mga kababayang Taiwanes na makibahagi sa pagkakataong pagkaunlaran ng Chinese mainland, at patuloy na pasusulungin ang inklusibong pag-unlad ng magkabilang pampang, dagdag ni Li.
Salin: Vera
Pulido: Rhio