“May 20 milyong mamamayan ng lahing Uygur sa Xinjiang ng Tsina, mainam kung gagamitin sila ng CIA…”
“Kung nais sirain ang katatagan ng Tsina, ang pinakamagandang paraan ay paglikha ng kaguluhan, at pag-udyok sa lahing Uygur na manggulo sa loob ng bansa.”
Sinabi ang mga ito ni Lawrence Wilkerson, Chief of Staff ni Colin Powell, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, sa isang porum na itinaguyod ng Ron Paul Institute for Peace and Prosperity noong Agosto ng 2018.
Sa laro ng mga bansang kanluraning pinamumunuan ng Amerika, ginamit kamakailan ang “Xinjiang card,” at ang bulak na mula sa Xinjiang ang isa sa mga baraha.
Ang ganitong pananalita ni Wilkerson ay isa pang ebidensya na ang paglikha ng kaguluhan sa Xinjiang at pagsikil sa pag-unlad ng Tsina ay target na pinaplano ng Amerika sa loob nang mahabang panahon.
Salin: Vera
Pulido: Mac