Bilang tugon sa kapasiyahan ng European Parliament sa pagkansela ng pulong ng pagsusuri sa Comprehensive Agreement on Investment (CAI) ng Tsina at Unyong Europeo (EU), sinabi nitong Huwebes, Marso 25, 2021 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na sa kasalukuyan, isinasagawa ng mga departamento ng talastasan ng panig Tsino’t Europeo ang kinakailangang pagsusuring pambatas.
Dagdag ni Gao, ang CAI ay hindi lamang umaangkop sa kapakanan ng kapuwa panig, kundi makakabuti rin sa Tsina, EU at buong mundo.
Salin: Vera
Pulido: Mac