Karapatang pantao, dapat ipakita sa aktuwal na aksyon sa halip ng pagiging islogan lang

2021-03-26 10:59:19  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Huwebes, Marso 25, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang karapatang pantao ay dapat ipakita sa aktuwal na kilos sa halip na maging islogan at kagamitan sa pagpapataw ng presyur sa ibang bansa.

 

Tinukoy ni Hua na pinagtibay sa ika-46 na pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyong “Pagpapasulong ng Kooperasyon at Win-Win Result sa Larangan ng Karapatang Pantao” na isinumite ng Tsina.

 

Ani Hua, nanawagan ang resolusyong ito sa iba’t-ibang bansa na igiit ang multilateralismo at isagawa ang mga konstruktibong diyalogo at kooperasyon sa larangan ng karapatang pantao upang magkakasamang mapasulong ang pagtatatag ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalaran ng Sangkatauhan. Ito ay lubos na nagpapakita ng unibersal na mithiin at lehitimong panawagan ng komunidad ng daigdig at mga mamamayan sa buong daigdig, aniya.

 

Dagdag pa ni Hua, sa mga espesyal na ulat ng UNHRC, maraming beses nilang pinuna ang umiiral na problemang gaya ng karalitaan at pagtanggi sa grupong minoriya sa loob ng Amerika.


Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method