Opisyal na pag-uugnayan ng Amerika at Taiwan, matinding tinututulan ng Tsina

2021-03-30 11:20:48  CMG
Share with:

Kaugnay ng umano’y “pagdalaw sa Taiwan” ng embahador ng Amerika sa Palau kasama ng Presidente ng Palau, ipinahayag nitong Lunes, Marso 29, 2021 ni tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang opisyal na pag-uugnayan ng Amerika at Taiwan sa anumang porma.

 

Hinimok din ni Zhao ang panig Amerikano na lubos na alamin ang napakamaselang isyu ng Taiwan.

 

Dagdag pa niya, ang isyu ng Taiwan ay pinakamahalaga at pinakasensitibong isyu sa relasyong Sino-Amerikano. Ang prinsipyong “Isang Tsina” ay pundasyong pulitikal sa relasyong Sino-Amerikano, diin niya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method