Kaugnay ng pananalita ni Keith Krach, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika, hinggil sa pagbibigay ni Mike Pompeo ng katayuan bilang “malayang bansa” sa Taiwan, iniharap nitong Huwebes, Enero 14, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang buong tatag na pagtutol at mariing kondemnasyon dito ng panig Tsino.
Saad ni Zhao, ang nasabing pananalita ni Krach ay paglabag sa pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, prinsipyong “Isang Tsina,” mga tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, at pangakong pulitikal ng panig Amerikano sa isyu ng Taiwan.
Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na sundin ang prinsipyong “Isang Tsina” at mga tadhana ng naturang tatlong magkasanib na komunike, agarang itigil ang panlilinlang na pulitikal gamit ang isyu ng Taiwan, at ihinto ang pakikipagpalitang opisyal sa Taiwan at pagpapataas ng relasyon batay sa mga nakatagong layunin nito.
Salin: Vera