Pahayag ng misyong Tsino ukol sa paratang ng mga kaukulang dalubhasa sa karapatang pantao

2021-03-30 11:51:20  CMG
Share with:

Kaugnay ng maling pananalitang may kinalaman sa Tsina ng mga dalubhasa ng ilang espesyal na mekanismo na gaya ng working group ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa isyu ng karapatang pantao at mga transnasyonal na kompanya, tinukoy nitong Lunes, Marso 29, 2021 ni Liu Yuyin, Tagapagsalita ng Misyong Tsino sa Geneva, na batay sa pagkiling sa Tsina at layuning pulitikal, tikis na pinilipit nang araw ring iyon ng nasabing mga dalubhasa ang katotohanan, at ikinalat ang paninirang-puring bintang na “sapilitang pagtatrabaho.” Aniya, buong tatag na tinututulan at ganap na tinatanggihan ito ng panig Tsino.
 

Ani Liu, tumutungo sa high-end ang industriya ng pagyari ng Tsina, at walang humpay na tumataas ang digri ng awtomatisasyon ng mga industriyang gaya ng agrikultura, paghahabi, kasuotan, paggawa ng sasakyang de motor at iba pa na binanggit ng nasabing working group. Aniya, tanong ng panig Tsino sa mga kaukulang dalubhasa na sa panahon ng digital economy at intelligent industry, posible pa ba ang pag-iral ng “sapilitang pagtatrabaho?”

Pahayag ng misyong Tsino ukol sa paratang ng mga kaukulang dalubhasa sa karapatang pantao_fororder_20210330Xinjiang

Dagdag niya, walang kamalayan ang nasabing mga dalubhasa sa progreso ng siyensiya’t teknolohiya at pag-unlad ng kaukulang industriya ng Tsina, pero ikinakalat nila ang mga walang batayan at lohika na kasinungalingan, at magsisilbi silang katatawanan lang ng daigdig sa bandang huli.
 

Winewelkam ng nasabing tagapagsalitang Tsino ang pagbisita sa Tsina at Xinjiang ng mga makatarungan at obdyektibong kaibigan ng iba’t ibang bansa, at hinding hindi tatanggapin ang pagsasagawa ng mga may pagkiling na tauhan batay sa umano’y imbestigasyon sa ilalim ng inaakalang pagkakasala ng Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method