Sa magkakahiwalay na okasyon, nakipagtagpo Marso 31, 2021, sa Beijing, si Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng ng Partidong Komunista ng Tsina (CPC), kina Khek Cai Mealy Sysoda, Embahador ng Kambodya sa Tsina; Khamphao Ernthavanh, Embahador ng Laos sa Tsina; at Sameeh Johar Hayat, Embahador ng Kuwait ng Tsina.
Sa pagtatagpo, binigyan-diin ni Yang na nakahanda ang Tsina na lalo pang pahigpitin ang bilateral na pakikipagpalitan sa naturang tatlong bansa, para magkakasamang mapangalagaan ang katuwiran at katarungan ng daigdig, at kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Aniya pa, patuloy na papangalagaan ng Tsina ang lehitimong kapakanan ng iba’t ibang bansa sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng ng Hong Kong (HKSAR).
Samantala, pinasalamatan ng mga embahador ng tatlong bansa ang pagkatig ng Tsina sa kanilang paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Patuloy anila silang magsisikap para pasulungin ang bilateral na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina.
Binigyang-diin nila, na ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at suportado ng kanilang mga bansa sa paninindigan ng Tsina sa Hong Kong.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio