Pagsuporta ng Tsina sa multilateral at regional free trade, malaking bentahe para sa Pilipinas: Aaron Jed Rabena

2021-03-30 22:08:54  CMG
Share with:

"Slowbalization" ang salitang ginagamit ng ilang eksperto upang ilarawan ang masamang epekto ng pandemya ng COVID-19 sa ekonomiya ng mundo.

 

Sa gitna ng matinding pandaigdigang pagsubok na ito, hindi lamang itinutuon ng Tsina ang pansin sa mabilis at mas mataas na kalidad na pag-unlad, pinahahalagahan din nito ang pagbubukas sa labas at pakikipagtulungang panrehiyon at pandaigdig.

 

Hinggil dito, sinabi ni Aaron Jed Rabena, Research Fellow sa Asia Pacific Pathways to Progress, isang foreign policy think tank, na “Ang commitment ng China na bawasan ang negative list ay isang opening para sa mga Filipino investors na nais mag-invest sa China.”

 

Pagsuporta ng Tsina sa multilateral at regional free trade, malaking bentahe para sa Pilipinas: Aaron Jed Rabena_fororder_jed-500

Si Aaron Jed Rabena

 

Malinaw ang magiging galaw ng Tsina sa pinakahuling panlimahang taong plano (2021-2025) at sa pangmalayuang mga balak ng bansa hanggang sa 2035.

 

Sa ilalim ng naturang mga plano, pumapasok na ang Tsina sa bagong yugto ng pag-unlad tungo sa sosyalistang modernong bansa.

 

Kabilang dito ang pagpapataas ng kita ng mga mamamayang Tsino at pagpapalakas ng domestic consumption.

 

Samantala, balak din ng Tsina na gawing world class ang kapaligirang pang-negosyo, itatag ang lipunang isinusulong ng inobasyon at higit na buksan ang sariling merkado upang isulong ang internasyonal na kooperasyon.

 

Matapos lagdaan ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at pagkatapos makumpleto ang kasunduan sa pamumuhuan sa European Union, plano ng Tsina na pabilisin ang negosasyon sa  China-Japan-Republic Of Korea Free Trade Agreement, at pinag-iisipan na ring aktibong sumali sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP).

 

Sinabi ni Rabena na ang patuloy na suporta ng Tsina para sa multilateral at regional free trade ay nangangahulugan ng aktibong pakikipagkalakalan nito sa Pilipinas.

 

Sa kabila ng pandemiya, nananatili pa ring pinakamalaking trade partner ng Pilipinas ang Tsina. 

 

Ang unang batch ng avocado ng Pilipinas ang dumating ng Shanghai, Tsina, noong Marso, 2020. Bunga nito, ang Pilipinas ang naging unang bansang Asyano na nagluluwas ng avocado sa Tsina.

 

Ibinahagi rin ni  Rabena ang pananaw hinggil sa“dual circulation”development paradigm ng Tsina.

 

Aniya, sa pamamaraang ito, makikita na mas binibigyan na ng importansya ng Tsina ang sariling merkado kumpara sa external markets. Layon nitong bawasan ang vulnerability at dependency sa ibang bansa, kapag may international crises na tulad ng COVID-19. 

 

Dagdag pa ni Rabena, mas magiging maingat ang Tsina sa sources ng supply chain, at mas gusto rin nitong manguna sa advanced technologies para hindi na naka-depende lamang sa ibang bansa na sulong ang teknolohiya.

 

Nitong Enero at Pebrero 2021, patuloy na nakarekober ang ekonomiya ng Tsina sa kabila ng negetibong epekto ng pandemya. Pinatutunayan ito ng pagtaas ng major economic indicators ng bansa kumpara sa mga datos noong 2020.

 

Ayon sa datos, tumaas sa 35.1% ang  value added industrial output, tumaas sa 33.8% ang retail sales ng consumer goods, tumaas sa 35% ang Fixed Asset Investment, nasa 18.7% ang fiscal revenue, 32.2% ang  foreign trade at umabot sa 31.5% ang Foreign Direct Investment (FDI).

 

Ang masiglang ekonomiya ng Tsina ay tiyak na magkakaroon ng“spillover”at makakatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng ibang bansa. At ang paglahok ng Tsina sa mga free trade pacts ay tiyak ding magiging win-win para sa buong mundo.

 

Ulat: Machelle Ramos

Script-edit: Jade/Mac 

Web-edit: Jade 

Larawan: Aaron Jed Rabena

Please select the login method