Lumahok kahapon, Biyernes, ika-2 ng Abril 2021, si Pangulong Xi Jinping at ibang mga lider ng estado at partido ng Tsina, sa boluntaryong aktibidad ng pagtatanim ng mga puno sa Beijing.
Ito ang ika-9 na taong walang patid na paglahok ni Xi sa aktibidad na ito.
Sa panahon ng aktibidad, sinabi ni Xi, na sa pamamagitan ng napakalaking pagsisikap ng mga mamamayan sa buong bansa, nitong 40 taong nakalipas sapul nang simulan noong 1981 ng Tsina ang pambansang kampanya ng boluntaryong pagtatanim ng mga puno, nangunguna ang Tsina sa daigdig pagdating sa paglaki ng bolyum ng yamang-gubat, at nagiging mas maganda ang kapaligiran ng pamumuhay sa kapwa kalunsuran at kanayunan.
Nanawagan din si Xi para sa patuloy na pagsisikap sa pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa kagubatan. Ito aniya ay mahalaga para pasulungin ng Tsina ang berdeng pag-unlad, at isakatuparan alinsunod sa nakatakdang iskedyul ang peak carbon emissions at carbon neutrality.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos