Tsina sa Amerika: suriin ang sariling problema sa karapatang pantao

2021-04-08 11:27:01  CMG
Share with:

Muling pinuna nitong Miyerkules, Abril 7, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga tsismis at paninirang-puri ng panig Amerikano hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao sa Xinjiang ng Tsina.

 

Hinimok niya ang panig Amerikano na itigil ang paglapastangan at pagkiling, tumpak na pakitunguhan at suriin ang sariling problema sa karapatang pantao, at isagawa ang aktuwal na hakbangin para pabutihin ang mga ito.

Tsina sa Amerika: suriin ang sariling problema sa karapatang pantao_fororder_20210408ZhaoLijian

Saad ni Zhao, may 5 krimen ang Amerika sa larangan ng karapatang pantao na kinabibilangan ng kolonyalismo, rasismo, paggawa ng kaguluhan, interbensyonismo, at double standard.
 

Diin niya, nitong nakalipas na mahabang panahon, ipinakakalat ng Amerika ang umano’y pagiging modelo sa karapatang pantao, samantalang buong tikis na isinasagawa ang double standard sa isyu ng karapatang pantao.
 

Ginagawa nitong kagamitan sa pangangalaga sa sariling hegemonya ang karapatang pantao, at nagsasalita ng kung anu-ano hinggil sa mga suliranin ng ibang bansa, saad ni Zhao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method