Inilabas kahapon, Miyerkules, Marso 24, 2021, ng Tanggapan sa Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang ulat tungkol sa paglapastangan ng Amerika sa mga karapatang pantao noong 2020.
Ayon dito, may 6 na aspekto kung saan tuwirang nilapastangan ng Amerika ang mga karapatang pantao noong 2020.
Una, kawalang kontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na nagdulot ng pinakamalaking bilang ng kapuwa kaso ng pagkahawa at pagkamatay sa buong daigdig.
Ikalawa, kaguluhang pulitikal at pagkakawatak-watak na dulot ng di-maayos na demokrasyang Amerikano.
Ikatlo, diskrimasyong panlahi sa mga minoryang grupong gaya ng African-American, Asian-American, at iba pa.
Ika-apat, kaligaligan ng lipunan, at pagkamatay ng mahigit 41.5 libong tao sa mga walang habas na pamamaril noong 2020.
Ikalima, ibayo pang paglaki ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at paglala ng di-pagkakapantay-pantay ng lipunan.
Ika-anim, paglabag sa mga tuntuning pandaigdig, at paglikha ng krisis ng karapatang pantao sa ibang mga bansa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan