Tsina, handang magbigay ng ambag ayon sa sariling kakayahan

2021-04-09 13:54:19  CMG
Share with:

Kaugnay ng isyu ng katayuan ng Tsina bilang isang umuunlad na kasapi sa World Trade Organization (WTO), sinabi nitong Huwebes, Abril 8, 2021 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na paulit-ulit na nagpahayag ang panig Tsino na bilang isang responsableng malaking umuunlad na bansa, nakahanda ang Tsina na batay sa prinsipyo ng pagbalanse ng karapatan at obligasyon, magbibigay ng karapat-dapat na ambag ito sa WTO na ayon sa sarili nitong kakayahan.

 

Diin pa niya, kahit anong pagbabago ang maganap sa kapaligirang panlabas, patuloy at palagiang papanigan ng Tsina ang mga umuunlad na kasaping bansa ng WTO, pangangalagaan ang kapakanan ng malawak na masa ng mga umuunlad na bansa, at magbigay ng mas maraming ambag.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method