Ipinahayag Abril 11, 2021 ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sisimulan mula Abril 12 ang magkasanib na ensayong militar ng Pilipinas at Amerika sa taong 2021, na may codename na “Shoulder to Shoulder,” at ito tatagal ng 2 linggo.
Pero, dahil sa epekto ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pinaliit ang saklaw ng nasabing ensayong militar kumpara sa mga nagdaang taon, at ilang pagsasanay ang isasagawa online.
Magugunitang kinansela ang nasabing magkasanib na ensayong militar noong isang taon dahil sa epekto ng pandemiya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio