Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan

2021-04-08 16:21:12  CMG
Share with:

Isang liham ang ipinadala kamakailan ni Carlos Dominguez III, Kalihim ng Pinansya ng Pilipinas, sa presidente ng Philippine Star kung saan nakasaad na may ilang pagkakamali ang inilabas nitong artikulo kamakailan tungkol sa proyektong pampamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas.

Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan_fororder_20210408kalihimliham600

Umaasa siyang iwawasto ng mediang ito ang kamailan.

Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan_fororder_20210404AidData500

Ang nasabing artikulong pinamagatang “China projects in Philippines found riddled with secretive conditions” ay malawakang sinipi sa isang di-umano’y ulat na may pamagat na “How China Lends: A Rare Look Into 100 Debt Contracts with Foreign Governments” na isinapubliko noong nagdaang Marso ng AidData, isang Virginia-based think tank ng College of William and Mary.

 

Tinukoy nitong umiiral ang mga umano’y “lihim na probisyon o confidentiality” sa tatlong proyektong pinopondohan ng Tsina sa mga proyekto ng imprastruktura ng administrasyon ni Pangulong Duterte na nagbibigay ng mga “di-karapat na benepisyo” sa panig Tsino.

 

Ayon sa nasabing artikulo ng Philstar, kabilang sa 3 tatlong proyekto ay Kaliwa Dam Project, Chico River Pump Irrigation Project, at technical assistance for the Philippine National Railway South Long Haul Project.

 

Sa liham, ipinahayag ni Dominguez na ang mga isinusulong na opisyal na proyektong pangkaunlaran ng administrasyon ni Duterte sa ilalim ng pagpondo ng Tsina, ay “transparent” at para sa pagpapasulong ng kapakanang pang-estado.

 

Ipinagdiinan pa niyang bago iharap ang akusasyong walang anumang batayan o ebidensya, kailangang-kailangang isagawa muna ng mga mamamahayag ng naturang artikulo ng Philippine Star ang lubos na pag-aaral. Ang ispekulasyon ay hindi dapat maging marka ng kaalayaan sa pamamahayag, saad ng liham ni Dominguez.

 

Agarang tinanggal ng Philippine Star ang nasabing artikulo sa website, ini-post naman nila ang liham ni Dominguez, at naghain ng paumanhin tungkol dito. Magkagayunman, iniligaw na ng artikulo ang opinyong-publiko ng mga netizen na Pilipino.

 

Bunga nito, napakahigpit nilang pinuna ang pamahalaan ni Duterte at pinagdudahan ang kooperasyong Sino-Pilipino.

Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan_fororder_20210408BRI

Sa katotohanan, lagi’t laging mahigpit na nag-uugnayan ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina at “Build, Build, Build” ng pamahalaang Pilipino.

 

Saklaw dito ang maraming aspektong gaya ng lansangan, tulay, paliparan, puwerto, at instalasyon laban sa baha, at kapansin-pansin ang natamong bunga ng dalawang panig.

Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan_fororder_20210408Duterte550

Sa kanyang pagdalo sa Ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation, binigyan ng lubos na papuri ni Pangulong Duterte ang BRI,

 

Sinabi niya na ang nasabing inisyatiba ay lubos na magkatumga sa estratehiyang pangkaunlaran ng iba’t-ibang bansa na kinabibilangan ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Ito aniya ay nakakatulong sa pagsasakatuparan ng komong hangarin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.

 

Ang kasalukuyang taon ay magiging “harvest year” ng mga proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng pamahalaang Tsino at Pilipino.

Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan_fororder_20210408drug550

Drug abuse treatment and rehabilitation center in Sarangani

Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan_fororder_20210408carbon600

Kauswagan Clean Coal‑Fired Power Plant sa Mindanao

Sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa, natapos na ang 12 proyektong pangkooperasyon na kinabibilangan ng drug abuse treatment and rehabilitation center in Sarangani, Kauswagan Clean Coal‑Fired Power Plant sa Mindanao, ikatlong Telecom operator ng Pilipinas na magkasanib na binubuo ng China Telecom at kompanyang Pilipino, at iba pa.

Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan_fororder_20210408Subic600

Subic-Clark Railways

Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan_fororder_20210408tulayBI550

Binondo-Intramuros Bridge Project

Op-Ed: Ugnayan ng BRI sa “Build, Build, Build,” landas tungo sa kooperasyon, win-win, kapayapaan at pagkakaibigan_fororder_20210408TulayEP550

Estrella-Pantaleon Bridge Project

Bukod dito, nasa yugto ng pag-uumpisa ang 12 iba pang proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas na kinabibilangan ng Subic-Clark Railways, Binondo-Intramuros Bridge Project, Estrella-Pantaleon Bridge Project, Cagayan River Dredging Project, at iba pa.

 

Tinatayang matatapos ang mga proyektong ito sa loob ng kasalukuyang taon.

 

Samantala, kasalukuyang nagsasanggunian at pinapasulong ng dalawang bansa ang mahigit 10 iba pang proyekto.

 

Ang naturang mga proyektong pangkooperasyon ay nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan at lipunang lokal.

 

Lubos nitong ipinakikita ang malalim na pundasyong pangkooperasyon at matibay na pagkakaibigang Sino-Pilipino.

 

Bukod dito, pinatutunayan ng nasabing mga proyekto na ang pag-uugnayan ng BRI at “Build, Build, Build” ay tungo sa landas ng kooperasyon at win-win na nagpapasulong ng komong kaunlaran.

 

Isinasakatuparan din nito ang komong kasaganaan, at nagsisilbing lakas-panulak tungo sa landas ng kapayapaan at pagkakaibiganat pagpapalakas ng komprehensibong pagpapalitan ng kapwa panig.


May-akda: Lito
Pulido: Rhio / Jade

Please select the login method