500,000 karagdagang bakunang gawa ng Sinovac, dumating ng Maynila

2021-04-11 18:45:05  CMG
Share with:

500,000 karagdagang bakunang gawa ng Sinovac, dumating ng Maynila_fororder_7cd7301b6dc6463ca9fa2bc9bfa10129

 

Dumating Abril 11, 2021 sa Maynila ang karagdagang 500,000 dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na binili ng pamahalaang Pilipino mula sa Tsina.

 

Ang mga ito ay ang ikalawang batch ng bakunang inihatid sa Pilipinas na ginawa ng Sinovac.

 

Matatandaang ang unang batch na kinabibilangan ng isang milyong dosis ng CoronaVac, brand name ng bakunang nabanggit ay dumating sa Maynila noong Marso 29, 2021.

 

Nauna rito, isang milyong bakuna ng Sinovac ang ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas, na magkahiwalay na dumating noong Pebrero 28 at Marso 24, ayon sa pagkakasunod.  

 

Bunga ng donasyon ng Tsina, napasimulan ng Pilipinas ang pambansang inokulasyon.

 

Bukod sa isang milyong donasyon, sa kabuuan, 25 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac ang binili ng pamahalaang Pilipino.

 

Sa panayam kamakailan sa China Media Group-Filipino Service, sinabi ni Helen Yang, General Manager ng Sinovac Biotech (Hong Kong) na sa kabila ng mahigpit na pangangailangang pandaigdig, pinipilit ng Sinovac na tugunan ang pangangailangan ng Pilipinas para hindi maantala ang vaccine rollout ng bansa.

 

400,000 dosis ng Sinovac handa nang ipadala sa Pilipinas; mga datos pinatutunayan ng kaligtasan ng bakuna

 

Tiniyak din ni Yang ang kaligtasan ng bakuna.

 

Aniya, 70 milyong dosis na ng Sinovac ang nagamit sa buong mundo at ayon sa mga nakolektang datos, walang ipinakitang adverse side effect ang mga ito.

 

Edit: Jade

Pulido: Rhio

Photo credit:CGTN

Espesyal na pasasalamat kina Mac at Liu Kai

 

 

Please select the login method