Sinabi kahapon, Biyernes, ika-9 ng Abril 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina at Pilipinas ay mapagkaibigang magkapitbansa, at ang kanilang kooperasyon ay lalong mas mahalaga kaysa pagkakaiba sa isyu ng dagat.
Dagdag niya, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng Pilipinas, para maayos na hawakan ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng pagsasanggunian, pasulungin ang kooperasyon, palalimin ang pagtitiwalaan, at pangalagaan ang pangkalahatang kalagayan ng bilateral na relasyon at kapayapaan at katatagan sa dagat.
Nauna rito, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ng Pilipinas, na lulutasin ng Pilipinas at Tsina ang isyu ng Niu'e Jiao sa pamamagitan ng diplomatiko at mapayapang paraan.
Aniya pa, ang mga pagkakaiba sa Pilipinas at Tsina ay hindi kumakatawan ng relasyon ng dalawang bansa, at hindi ring hahadlang sa positibong pag-unlad ng relasyong ito.
Samantala, pinuna rin ni Tagapagsalita Zhao Lijian ang Amerika sa pagpapahayag ng di-umanong "pagkabahala" sa isyu ng Niu'e Jiao.
Hinimok din aniya ng Tsina ang Amerika, na igalang ang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyon ng South China Sea, para maayos na hawakan ang pagkakaiba at pangalagaan ang matatag na kalagayang panrehiyon.
Editor: Liu Kai
Pangingisda ng Tsina sa Niu'e Jiao, lehitimo: Pilipinas, dapat itigil ang hype-up - Tsina
Paglaban sa pandemiya, konsultasyon ng COC, pinag-usapan ng FM ng Tsina at Pilipinas
Op-Ed: Pagsasanggunian at pagtutulungan, siyang tanging kalutasan sa isyu ng SCS
Op-Ed: Anumang isyu, maaaring pag-usapan ng tunay na kaibigan