Tsina, ikinababahala ang kapasiyahan ng pamahalaang Hapones tungkol sa nuclear wastewater

2021-04-13 14:56:52  CMG
Share with:

Ipinasiya Martes, Abril 13, 2021 ng pamahalaang Hapones na itapon sa dagat ang nuclear wastewater ng Fukushima Nuclear Plant.
 

Kaugnay nito, tinukoy nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang kapitbansa at may-kaugnayang panig, ikinababahala ito ng panig Tsino.
 

Anang tagapagsalita, hanggang ngayon, ang Fukushima nuclear accident ay isa sa mga pinakagrabeng aksidenteng nuklear sa buong daigdig. Ibinunsod nito ang pagtagas ng napakaraming radioactive material, bagay na nakakapagbigay ng pangmalayuang epekto sa kapaligirang pandagat, kaligtasan ng pagkain, at kalusugan ng sangkatauhan. 
 

Sinabi ng tagapagsalita na ayon sa ulat ng pagtasa ng grupo ng mga eksperto ng International Atomic Energy Agency (IAEA), kung itatapon sa dagat ang nuclear wastewater na may tritium mula Fukushima Nuclear Plant, maaapektuhan ang kapaligirang pandagat at pampublikong kalusugan ng mga kapitbansa nito. 
 

Diin pa niya, ang dagat ay komong ari-arian ng buong sangkatauhan. Buong tindi aniyang hinihimok ng panig Tsino ang panig Hapones na lubos na alamin ang sariling responsibilidad, at taglayin ang siyentipikong pakikitungo, tupdin ang obligasyong pandaigdig, at gumawa ng karapat-dapat na reaksyon sa grabeng pagkabahala mula sa komunidad ng daigdig, mga kapitbansa, at sarili nitong mga mamamayan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method