Upang bigyang-wakas ang pinakamahabang digmaan sa kasaysayan ng Amerika, ipinatalastas nitong Miyerkules, Abril 14, 2021 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na pauurungin ang lahat ng tropang Amerikano mula sa Afghanistan, bago Setyembre 11 ng kasalukuyang taon.
Sa kanyang talumpati sa White House nang araw ring iyon, sinabi ni Biden na magsisimula ang pag-urong ng mga tropang Amerikano sa Mayo 1, samantalang makukumpleto ang pag-urong ng lahat ng tropa ng Amerika at North Atlantic Treaty Organization (NATO) bago Setyembre 11.
Dagdag niya, natupad na ang target ng Amerika sa paglaban sa terorismo sa nasabing digmaan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio