Panayam sa dating translator ng FBI, ibinunyag: malakas na ebidensya ng tangka ng Amerika na sugpuin ang Tsina sa pamamagitan ng Xinjiang

2021-04-15 16:03:07  CMG
Share with:

Sa regular na preskon ng Ministring Panlabas ng Tsina nitong Miyerkules, Marso 14, 2021, isinahimpapawid ang video clip ng panayam kay Sibel Edmonds, dating translator ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika hinggil sa Xinjiang noong 2015.
 

Kaugnay nito, inihayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng nasabing ministri na ito ay mabisang ebidensya kaugnay ng tangka ng Amerika na guluhin ang Xinjiang at sugpuin ang Tsina, sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga kasinungalingang may kinalaman sa Xinjiang.

Panayam sa dating translator ng FBI, ibinunyag: malakas na ebidensya ng tangka ng Amerika na sugpuin ang Tsina sa pamamagitan ng Xinjiang_fororder_20210415Xinjiang

Sa nasabing video clip, sinabi ni Edmonds na “ipinagkalat naming walang sariling lupa ang mga pambansang minorya sa Xinjiang, at pinaslang at inabuso sila ng Tsina. Plano naming itayo ang base militar sa Xinjiang. Wala kaming paki-alam sa mga mamamayan doon, dahil maliban sa pagsasakatuparan ng aming target,  wala namang kaugnayan ang mga taga-Xinjiang sa aming kapakanan.”
 

Inilahad din ni Zhao ang ibang mga ebidensya ng pagsugpo ng Amerika sa Tsina, sa pamamagitan ng Xinjiang.
 

Kabilang dito ay ang tweet noong Disyembre 2020 ng National Endowment for Democracy (NED) ng Amerika na nagsasabing sapul noong 2004, ipinagkakaloob ng NED ang malaking pondo sa mapangwatak na puwersa sa Xinjiang.
 

Isiniwalat din sa website ng NED na ang World Uyghur Congress na galing sa umano East Turkestan ay binibigyan ng pondo ng NED.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method