Ayon sa datos na inilabas nitong Huwebes, Abril 15, 2021 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, 302.47 bilyong yuan RMB ang foreign direct investment (FDI) na aktuwal na ginamit ng Tsina, at ito ay lumaki ng 39.9% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Tinukoy ni Gao Feng, Tagapagsalita ng nasabing ministri, na ipinakikita ng datos na malinaw ang paglago ng FDI mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na 60%.
Samantala, lumaki ng 58.2%% at 7.5% ang aktuwal na pamumuhunan mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road at Unyong Europeo (EU), ayon sa pagkakasunud-sunod.
Salin: Vera
Pulido: Mac