Ayon sa komunike ng estadistika ng puhunang dayuhan ng Tsina sa taong 2020 na inilabas nitong Huwebes, Nobyembre 5, 2020 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, sa panahon ng Ika-13 Panlimahang Taong Plano hinggil sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan (2016-2020), tinayang aabot sa humigit-kumulang 690 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng puhunang dayuhan na maaakit ng Tsina.
Tumaas ng mahigit 10 bilyong dolyares ang taunang halaga ng pag-aakit ng puhunang dayuhan, kumpara sa panahon ng Ika-12 Panlimahang Taong Plano.
Mula noong 2017 hanggang 2019, nasa ika-2 puwesto sa daigdig ang taunang halaga ng pag-aakit ng puhunang dayuhan ng Tsina.
Sa kalagayan ng malaking resesyon ng paggalaw ng transnasyonal na kapital, tumaas sa 9.2% noong 2019 ang proporsyon ng inakit na puhunang dayuhan ng Tsina sa Foreign Direct Investmen (FDI) ng mundo, mula 6.6% noong 2015.
Ipinakikita naman ng datos na sa panahon ng Ika-13 Panlimahang Taong Plano, 11.4 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng buwis na binayad ng mga kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan, at ito ay katumbas ng 19.3% ng kabuuang halaga ng buwis ng buong bansa.
Salin: Vera