CMG Komentaryo: Pahayag ng Amerika tungkol sa Hong Kong, sobrang baligho

2021-04-18 14:11:45  CMG
Share with:

Kinondena nitong Biyernes, Abril 16 (local time), 2021 ng panig Amerikano ang desisyon ng hukuman ng Espesyal na Rehiyong Administatibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina sa mga tauhang lumabag sa batas ng  Tsina.

 

Ayon sa pahayag ng Amerika, gumuguho na di-umano ang sistemang pambatas ng Hong Kong.

 

Bagamat walang batayan, hiniling din ng panig Amerikano sa panig Tsino na palayain ang nasabing mga tauhan.

 

Dapat alamin ng panig Amerikano na ang nasabing balighong pahayag at kilos ay hindi lamang ibayo pang nagpapatunay sa krimen ni Jimmy Lai Chee-Ying at ilang iba pa, kundi nagpapakita rinng lagi’t laging bastos na paglabag ng  panig Amerikano sa pandaigdigang batas, at buong tikis na panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina.

 

Ang mga pananalita at kilos ng panig Amerikano ay grabeng lumalapastangan sa mga ideyang gaya ng “kalayaan,” “demokrasya,” “kapayapaan,” at “pamamalakad alinsunod sa batas.”

 

Bukod pa riyan, lagi rin itong nakikipagsabwatan upang ipatupad ang mga masamang pangyayari sa daigdig.

 

Sa kabilang dako, ang makatarungang paglilitis at angkop na sentensyang ginawa ng hukuman ng HKSAR hinggil sa mga kriminal ay lubos na nagpapakita ng diwa ng pangangasiwa alinsunod sa batas at   katugong reaksyon lamang sa kahilingan ng malawak na masa ng mga mamamayan ng Hong Kong.

 

Nilalabag ng Amerika ang prinsipyo ng di-panghihimasok sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, nanghihimasok ito sa makatarungang paglilitis ng hukuman ng Hong Kong, lalung-lalo na, hiniling nitong palayain ang mga kriminal.

 

Ito ay walang habas na paglapastangan sa diwa ng pamamalakad alinsunod sa batas.

 

Nang araw ring iyon, sinabi ng Department of Justice ng Hong Kong  na ang naturang kahilingan ng panig Amerikano ay lantarang lumalabag sa pandaigdigang batas, at ito ay pagyurak sa prinsipyo ng pangangasiwa alinsunod sa batas.

 

Ang “kapayapaan, demokrasya, at kalayaan” ay pinagbabahaginang halaga ng buong sangkatauhan.

 

Walang karapatan ang Amerika na pakialamanan ang diwa ng mga ito.

 

Ang mga ito ay dapat magkakasamang tiyakin ng buong daigdig.

 

Sa katotohanan, maraming bansa ang naniniwala na ang regulasyon ng Amerika ay hindi regulasyong pandaigdig.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method