Mga sinusugang appendix ng saligang batas ng HKSAR, inilabas

2021-03-30 16:15:15  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing—Ipininid Martes ng umaga, Marso 30, 2021 ang ika-27 na pulong ng Pirmihang Lupon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang lehislatura ng Tsina.
 

Sa pamamagitan ng pagboto, pinagtibay sa pulong ang mga sinusugang appendix ng saligang batas ng Epsesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) hinggil sa paraan ng paghalal ng punong ehekutibo, at paraan at proseso ng pagboto sa pagbuo ng lupong lehistratibo ng Hong Kong.
 

Magkahiwalay na nilagdaan ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang mga kautusan bilang 75 at 76, para ilabas ang nasabing mga sinusugang appendix.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method