Sa pamamagitan ng mga istasyon sa mga kalye at online platform, lumagda nitong nakalipas na ilang araw ang mahigit 2.38 milyong residente sa Hong Kong sa pahayag bilang suporta sa Desisyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, sa Pagpapabuti ng Sistemang Elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Ang nasabing kampanya ng pangongolekta ng mga lagda ay magkakasanib na inilunsad ng mga personahe at mga organisasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan ng Hong Kong.
Salin: Vera
Pulido: Rhio