Tsina sa Amerika: Pag-unlad ng Hong Kong, hindi nakaasa sa “alms-giving” o “charity” ng ibang bansa

2021-04-02 11:59:06  CMG
Share with:

Isinumite kamakailan ni Anthony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang ulat sa kongreso hinggil sa patuloy na pagsuspendi ng differential treatment sa Hong Kong.
 

Kaugnay nito, ipinagdiinan nitong Huwebes, Abril 1, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang tagumpay na pangkaunlaran ng Hong Kong ay bunga ng pagpupunyagi ng ilang henerasyon ng mga residente sa Hong Kong, sa ilalim ng buong lakas na pagsuporta ng inang bayan. Hindi kailanma’y nakaasa ito sa abuloy o kawang-gawa ng anumang bansang dayuhan.
 

Saad ni Hua, ang mga kaukulang ulat ng panig Amerikano ay nagbubulag-bulagan sa pundamental na katotohanan, nagsasalita ng kung anu-ano hinggil sa mga suliranin ng Hong Kong, walang batayang bumabatikos sa pamahalaang sentral ng Tsina at pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, at malubhang nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Inihayag aniya ng panig Tsino ang mariing kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol dito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method