CMG Komentaryo: Pagharap sa pagbabago ng klima, hindi dapat maging bargaining chip ng geopolitics

2021-04-18 16:57:39  CMG
Share with:

"Ang pagharap sa pagbabago ng klima ay komong usapin ng buong sangkatauhan, at hindi ito dapat maging bargaining chip ng geopolitics, target ng pag-atake sa iba, at katuwiran sa pagtatayo ng trade barrier.”

 

Ito ang winika kamakailan ni Pangulong Xi Jinping sa virtual summit ng Tsina, Pransya, at Alemanya tungkol sa pagbabago ng klima.

 

Sa nasabing summit, buong pagkakaisang ipinahayag ng mga lider ng tatlong bansa na dapat igiit ang multilateralismo, komprehensibong ipatupad ang “Paris Agreement,” at magkakasamang itatatag ang pantay, makatarungan, at may win-win cooperation na pandaigdigang sistema ng pagsasa-ayos ng klima.

 

Ito anila ay para maging mahalagang sandigan ng pagharap sa pagbabago ng klima ang kooperasyong Sino-Europeo.

 

Bukod dito, ipinagdiinan ni Xi, na ang paglalakip ng peak carbon emissions at carbon neutrality sa pangkalahatang distribusyon ng pambansang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal, at komprehensibong pagsusulong ng luntian at low-carbon na recycling economy development, ay mga bagay na nagpapakita ng mga isinasagawang aktuwal na aksyon ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Ngunit, palagiang malaking hamon ang kinakaharap ng mga pagsisikap ng sangkatauhan sa usapin ng pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Kaugnay ng desisyon kamakailan ng pamahalaang Hapones na itapon sa dagat ang nuclear wastewater ng Fukushima Nuclear Plant, pinili ng Amerika na silsulan ang Hapon sa isyung ito  dahil sa pribadong kapakanan ng geopolitics.

 

Sa kasaysayan, ang bolyum ng pagbuga ng karbon ng Amerika at Europa ay katumbas ng mahigit 50% ng kabuuang bolyum sa buong daigdig.

 

Sa ngayon, ang kanilang per capita pollution ay sobrang lampas kumpara sa ibang bansa.

 

Kaya, dapat manguna ang mga maunlad na ekonomiya sa pagbabawas ng emisyon at ipagkaloob ang suporta sa mga umuunlad na bansa sa usaping ito.

 

Ipinakita na ng mga lider ng Tsina, Pransya, at Alemanya ang kanilang determinasyon at aktuwal kilos sa buong mundo.

 

Bilang tagapagtaguyod ng Virtual Summit on Climate Change sa susunod na linggo, dapat ipakita ng Amerika sa buong daigdig ang katapatan sa pagharap sa pagbabago ng klima, sa halip na muling pagiging “Climate Leader” sa pamamagitan ng gaganaping summit.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method