Xi Jinping, inulit ang mga pangako ng Tsina sa larangan ng klima

2021-04-22 21:49:58  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, dumalo ngayong araw, Huwebes, Abril 22, 2021, sa pamamagitan ng video link, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Leaders Summit on Climate.

 

Sa kanyang talumpati sa pulong, inulit ni Xi ang mga pangako ng Tsina sa larangan ng klima. Halimbawa, mahigpit na lilimitahan ang paggamit ng karbon, at isasakatuparan ang peak carbon emissions sa taong 2030 at carbon neutrality sa taong 2060.

 

Nakahanda ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Amerika, na palakasin ang pandaigdigang pangangasiwa sa kapaligiran, dagdag ni Xi.

 

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng ilang usapin pagdating sa isyu ng klima, na gaya ng harmony sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan, berdeng pag-unlad, multilateralismo, "mamamayan muna," at iba pa.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method