69 libo, bilang ng pandaigdigang aplikasyon ng patente ng Tsina noong 2020 — CNIPA

2021-04-25 11:17:42  CMG
Share with:

Sa news briefing na idinaos Linggo ng umaga, Abril 25, 2021 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, isinalaysay ni Shen Changyu, Puno ng China National Intellectual Property Administration (CNIPA), na noong isang taon, binigyang-awtorisasyon ng Tsina ang 53 libong patente, at ito’y lampas sa  nakatakdang target na nakapaloob sa ika-13 panlimahang-taong plano ng bansa.

 

Aniya pa, sa pamamaraan ng Patent Cooperation Treaty (PCT), isinumite ng Tsina ang 69 libong pandaigdigang aplikasyon ng patente, at ito ang nangunguna sa buong daigdig.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method