Kahapon, Abril 24 ay pandaigdigang araw ng multilateralismo at diplomasya para sa kapayapaan.
Sa kanyang virtual speech, tinukoy ni Tatiana Valovaya, Direktor Heneral ng Tanggapan ng United Nations (UN) sa Geneva, na ang multilateralismo ay hindi lamang pundasyon ng Karta ng UN at 2030 Agenda for Sustainable Development, kundi nakakapagpatingkad din ng napakahalagang papel para sa kapayapaan at progreso ng sangkatauhan.
Saad ni Valovaya, sa kasalukuyan, nahaharap ang mundo sa serye ng mga hamong gaya ng mapangwasak na krisis sa klima, armadong sagupaan, patuloy na lumalalang karalitaan at di-pagkakapantay-pantay, kawalan ng tiwala sa isa’t-isa, alitang pangkalakalan at iba pa, pero ang multilateralismo ay ang pinakamabisang lunas sa mga isyung pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio