Bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Amman, Jordan

2021-04-26 15:28:54  CMG
Share with:

Dumating Linggo ng gabi, Abril 25, 2021 sa Amman, kabisera ng Jordan ang bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ibinigay ng pamahalaang Tsino.
 

Ang nasabing pangkat ng bakuna ay gawa ng China National Pharmaceutical Group o Sinopharm.

Bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Amman, Jordan_fororder_20210426Jordan2

Chinese Ambassador to Jordan Chen Chuandong (L) at Jordanian Minister of Health Firas Hawari

Sa seremonya ng pagtanggap, pinasalamatan ni Firas Hawari, Ministro ng Kalusugan ng Jordan, ang saklolo at suporta ng pamahalaan at mga mamayang Tsino laban sa pandemiya.
 

Aniya, ang mga bakunang Tsino ay malawakang ginagamit sa buong mundo, at napatunayan na ang episiyensiya at kaligtasan nito.
 

Saad naman ni Chen Chuandong, Embahador ng Tsina sa Jordan, sapul nang sumiklab ang COVID-19, nagtutulungan at magkakapit-bisig na pinagtatagumpayan ng dalawang bansa ang pandemiya.

Bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Amman, Jordan_fororder_20210426Jordan1

Patuloy aniyang susuportahan ng Tsina ang Jordan sa paglaban sa COVID-19 at pagpapanumbalik ng kabuhayan ng bansa.
 

Aniya pa, magkasamang pasusulungin ng dalawang panig ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan.
 

Sinimulan sa Jordan ang pambansang inokulasyon kontra COVID-19 noong Abril 13.
 

Ayon sa datos ng Ministri ng Kalusugan ng Jordan nitong Linggo, 702,154 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 8,615 ang mga pumanaw.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method