Pormal na ibinigay nitong Lunes, Abril 26, 2021 ng Embahada ng Tsina sa Pakistan ang ika-3 pangkat ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng Tsina sa pamahalaan ng Pakistan.
Inihayag ni Omar Ayub Khan, Ministro ng mga Suliraning Ekonomiko ng Pakistan, na sa masusing panahon ng ika-3 beses na pagsiklab ng pandemiya sa bansa, ang mga bakunang Tsino ay may napakahalagang papel sa paglaban ng kanyang bansa sa pandemiya.
Aniya, namumukod ang episiyensiya ng bakunang Tsino sa mga aspektong gaya ng pagpigil sa pagkalat ng coronavirus, at pagpapalakas ng immunity.
Salin: Vera
Pulido: Rhio