Ayon sa pinakahuling datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, lumaki ng 5.2% ang non-financial direct investment ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kaugnay nito, sinabi nitong Martes, Abril 27, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Belt and Road ay nagsilbing napakapopular na pandaigdigang produktong pampubliko at pinakamalawak na plataporma ng kooperasyon.
Saad ni Wang, nakahanda ang panig Tsino na magpunyagi, kasama ng iba’t ibang panig, para sa pagtatatag ng sustenableng Belt and Road na may mataas na pamantayan at makakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan, upang pasiglahin ang bagong lakas-panulak sa pagsasakatuparan ng kasaganaan, katatagan, at kaunlaran ng mga kaukulang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac