CMG Komentaryo: Paghadlang ng Australya sa kooperasyon ng Belt and Road, manipulasyong pulitikal

2021-04-23 17:28:01  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Paghadlang ng Australya sa kooperasyon ng Belt and Road, manipulasyong pulitikal_fororder_10a94d9d53db4151a6c4417ed321cf82

 

Ipinatalastas kamakailan ng ministrong panlabas ng Australya ang pagbeto sa memorandum at framework agreement tungkol sa kooperasyon ng Belt and Road na nilagdaan ng pamahalaan ng Estado ng Victoria ng bansang ito at Tsina. Dahil aniya ang mga ito ay hindi angkop sa patakarang diplomatiko ng Australya at hindi mabuti sa relasyong panlabas ng bansa.

 

Ipinakikita nitong patuloy na sumusunod ang Australya sa patakaran ng Amerika ng panggigipit sa Tsina, at wala itong katapatang pabutihin ang relasyon sa Tsina.

 

Ayaw ng pamahalaang pederal ng Australya na lumahok sa kooperasyon ng Belt and Road, pero hindi ito kumakatawan sa palagay ng iba, kahit ng pamahalaang lokal ng bansang ito.

 

Noong Mayo 2020, ipinahayag ng gobernador ng Estado ng Victoria, na nitong 5 taong nakalipas, lumaki ng 62% ang pagluluwas ng estadong ito sa Tsina, at lumaki naman ng 70% ang bilang ng mga turistang Tsino sa estado.

 

Sinabi naman minsan ng tagapagsalita ng Victoria, na pagkaraan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang mga pagkakataong dulot ng Belt and Road sa negosyo ng mga bahay-kalakal at hanapbuhay ng mga mamamayan sa lokalidad ay mas mahalaga higit kailanman.

 

Ang manipulasyong pulitikal ng ilang politiko ng Australya sa isyu ng Belt and Road ay hindi hahadlang sa pagsulong ng inisyatibang ito. Sa halip, makakapinsala ito sa imahe at reputasyon ng Australya at relasyon nito sa Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method