Core module ng space station, matagumpay na inilunsad ng Tsina; Pangulong Tsino, nagpadala ng pagbati

2021-04-29 14:37:52  CMG
Share with:

Wenchang Spacecraft Launch Site, Lalawigang Hainan ng Tsina—Alas-11:23 kaninang umaga, Huwebes, Abril 29, 2021, matagumpay na inilunsad ng Tsina ang core module ng space station, at pumasok ito sa nakatakdang orbita.

Core module ng space station, matagumpay na inilunsad ng Tsina; Pangulong Tsino, nagpadala ng pagbati_fororder_20210429Tianhe1

Sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Konseho ng Estado at Central Military Commission, nagpadala si Pangulong Xi Jinping ng bansa ng mensaheng pambati.
 

Anang mensahe, ang pagtatatag ng space station at pambansang laboratoryong pangkalawakan ay mahalagang target ng estratehiya ng manned space project ng Tsina, at ito rin ay mahalagang proyektong tagapagpatnubay ng pagtatatag ng malakas na bansang pansiyensiya, panteknolohiya at pangkalawakan.

Core module ng space station, matagumpay na inilunsad ng Tsina; Pangulong Tsino, nagpadala ng pagbati_fororder_20210429Tianhe2

Tinukoy ni Xi na ang matagumpay na paglulunsad ng nasabing core module na pinangalanang “Tianhe” ay palatandaang pumasok na sa yugto ng komprehensibong pagpapatupad ng kontruksyon ng space station ng bansa. Nakalatag aniya itong matibay na pundasyon para sa pagpapatupad ng mga kinakailangang tungkulin.
 

Ayon sa plano, matatapos ang pagtatatag ng space station ng Tsina sa taong 2022.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method