Core module ng space station ng Tsina, ilulunsad sa darating na tagsibol

2021-01-03 18:11:21  CMG
Share with:

Isiniwalat kamakailan ni Zhou Jianping, punong tagadisenyo ng manned space program ng Tsina, na sa darating na tagsibol ng taong ito, ilulunsad ng Tsina ang core module ng space station. Pagkatapos, ilulunsad din ang Tianzhou-2 cargo craft at Shenzhou-12 manned craft, dagdag niya.

 

Ayon pa rin kay Zhou, sa kasalukuyan, natapos na ang mga gawain ng pagsubok ng core module. Napili rin aniya ang mga astronaut ng misyong ito, at isinasagawa nila ang pagsasanay.

 

Nauna rito, isinapubliko ng China National Space Administration ang plano ng konstruksyon ng space station ng Tsina. Ayon sa plano, sa taong ito at susunod na taon, ilulunsad ang 11 spacecraft, na kinabibilangan ng isang core module, dalawang lab capsule, 4 na manned craft, at 4 na cargo craft.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method