Mga obdyektibo’t makatarungang pananalita sa daigdig hinggil sa Xinjiang, parami nang parami

2021-04-29 11:41:02  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore ang komentaryong pinamagatang “Bagay-bagay hinggil sa bulak ng Xinjiang.” Ipinalalagay nitong walang anumang batayan ang pananalitang may “sapilitang pagtatrabaho” sa Xinjiang.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Abril 28, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kamakailan, dumarami nang dumarami ang mga obdyektibo’t makatarungang pananalita sa daigdig hinggil sa Xinjiang. Aniya, sa kalagayang lipos ng pagdungis at paninirang-puri sa Xinjiang ang mga kanluraning media, napakahalaga ng mga makatarungang pagbabalita kaugnay ng Xinjiang.
 

Umaasa aniya siyang babasahin ng mga dayuhang mamamahayag ang mga makatarungang aklat, ulat at artikulong nagsasalaysay tungkol sa Xinjiang, at boboykotin ang mga kasinungalingan, tsismis at pekeng balita kaugnay ng Xinjiang, batay sa obdeyktibo’t makatarungang simulain.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method