Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng State Administration of Foreign Exchange ng Tsina, umabot sa 1.7 trilyong yuan ang kita ng kalakalan ng panindang pandaigdig at serbisyo ng Tsina noong nagdaang Marso, samantalang 1.6 trilyong yuan naman ang kabuuang gastos.
Batay rito, mga 60.9 na bilyong yuan ang kabuuang halaga ng trade surplus ng panindang pandaigdig at serbisyo ng Tsina noong nagdaang Marso.
Kabilang dito, 116.8 bilyong yuan ang surplus ng kalakalan ng paninda, at 55.9 bilyong yuan ang deficit ng kalakalang panserbisyo.
Salin: Lito
Pulido: Rhio