CMG Komentaryo: Pamilihang Tsino, napakalaking oportunidad para sa mga dayuhang kompanya

2021-05-07 10:56:59  CMG
Share with:

Sa katatapos na bakasyon ng International Labor Day sa Tsina, umabot sa 230 milyong ang paglalakbay ng mga tao sa loob ng bansa, at mahigit 11.3 bilyong yuan RMB ang kita ng turismo. Magkahiwalay na lumaki ng 119.7% at 138.1% ang nasabing dalawang bilang kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

CMG Komentaryo: Pamilihang Tsino, napakalaking oportunidad para sa mga dayuhang kompanya_fororder_20210507konsumo2550

Ikinagulat ng buong daigdig ang napakasiglang kalagayan ng consumer market ng Tsina. Ito ay hindi lamang nagpapatunay ng natamong tagumpay at bunga ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), kundi nagpapakita pa ng sustenableng pagpapanumbalik ng merkado ng konsumo ng Tsina.

 

Sa likod nito, ang mga isinasagawang hakbangin ng pamahalaang Tsino na gaya ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob at pagpapasulong ng konsumo, pagpapataas ng kita ng mga residente, at pagpapabuti ng kapaligirang pangkonsumo ay magkakasamang nakakapagpatingkad ng malaking papel.

 

Nitong mga taong nakalipas, ang konsumo ay nananatiling sandigan ng matatag na takbo ng kabuhayang Tsino. Ang walang tigil na paglalabas ng potensyal ng konsumo ng Tsina ay nakakapagbigay ng mas maraming pagkakataon para sa buong daigdig.

CMG Komentaryo: Pamilihang Tsino, napakalaking oportunidad para sa mga dayuhang kompanya_fororder_20210507konsumo1550

Mula Mayo 7 hanggang 10, 2021, gaganapin sa Hainan ang unang China International Consumer Products Expo. Sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, ipinapatupad ng pamahalaang Tsino ang pangako nitong “maging merkadong pandaigdig ang merkadong Tsino.”

 

Para sa mga dayuhang kompanyang lubos na nananabik sa paghulagpos sa epekto ng pandemiya, napakahalagang oportunidad sa kanila ang merkadong Tsino. Kinakailangan nilang hanapin ang “susi” para mabuksan ang pamilihang Tsino.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method