Isinalaysay kahapon, Mayo 7, 2021, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matutupok ang itaas na bahagi ng Long March-5B Y2 rocket, habang pumapasok at lumilipad ito sa atmospera ng mundo. Dahil dito aniya, napakaliit ng posibilidad na makakapinsala ito sa mga aktibidad ng abiyasyon at pasilidad sa lupa.
Ang naturang rocket ay inilunsad nitong Abril 29 ng Tsina, para ihatid ang core module ng space station ng bansa sa orbita sa kalawakan.
Pagkaraan nito, ini-ulat ng ilang kanluraning media ang tungkol sa di-umanong "posibleng pinsala" na idudulot ng mga labi ng rocket na ito.
Bilang tugon, dagdag ni Wang, ito ay karaniwang kagawian sa daigdig para matupok ang mga labi ng rocket, habang muling pumapasok ang mga ito sa atmospera.
Maingat aniya ang Tsina sa isyung ito, at napapanahong ilalabas ng may kinalamang departamento ang detalyadong impormasyon tungkol dito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos