Konstruksyon ng space station ng Tsina, matatapos bandang 2022

2021-04-30 16:05:49  CMG
Share with:

Matagumpay na inilunsad nitong Huwebes, Abril 29, 2021 sa Wenchang Spacecraft Launch Site, Lalawigang Hainan ng Tsina ang core module ng space station ng Tsina na pinangalanang “Tianhe.” Ito ang palatandaang nagsimula na ang bagong biyahe ng manned space project ng bansa.
 

Ayon sa pahayag ni Ji Qiming, Direktor ng Tanggapan ng Manned Space Project ng Tsina, na sa loob ng kasalukuyang taon, magkasunod na ilulunsad ang dalawang Tianzhou cargo spacecraft at dalawang Shenzhou manned craft.
 

Aniya, tinatayang matatapos ang kontruksyon ng space station ng Tsina bandang 2022.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method