Xi Jinping at kanyang ina: Pangako ng dalawang henerasyon ng kasapi ng CPC

2021-05-08 19:02:21  CMG
Share with:

Noong Marso ng 1939, sumali si Qi Xin, ina ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa rebolusyon ng Anti-Japanese War, at naging miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa edad na 15.

Xi Jinping at kanyang ina: Pangako ng dalawang henerasyon ng kasapi ng CPC_fororder_20210508XiJinping1

Noong Enero 13, 1969, pumunta si Xi Jinping sa Liangjiahe Village sa hilagang Lalawigang Shaanxi, sa edad na 15 din, at nagpalipas ng 7 taon ng kaniyang kabataan doon.

Xi Jinping at kanyang ina: Pangako ng dalawang henerasyon ng kasapi ng CPC_fororder_20210508XiJinping3

Habang nasa Liangjiahe, sunud-sunod na isinumite ni Xi ang 10 aplikasyon sa pagsapi sa CPC, at noong Enero ng 1974, pormal na naging miyembro siya ng CPC.

Xi Jinping at kanyang ina: Pangako ng dalawang henerasyon ng kasapi ng CPC_fororder_20210508XiJinping2

Sa Liangjiahe, may dalang katsang bag si Xi, at nakasulat sa ibabaw nito ang tatlong Chinese characters na “娘的心” o “puso ng ina” na ibinurda ni Qi Xin. Nagpapakita ito ng suporta ni Qi sa paglilingkod ng kanyang anak sa inang bayan.
 

Laging pinahahalagahan ni Qi Xin ang edukasyon sa pamilya. Madalas siyang sumusulat ng mga liham kay Xi, para paalalahanan ang anak na alagaang mabuti ang sarili.

Xi Jinping at kanyang ina: Pangako ng dalawang henerasyon ng kasapi ng CPC_fororder_20210508XiJinping4

Ang pagiging isang mabait na tao, pagpapanatiling walang dungis sa pagtatrabaho, at pagiging isang matapat at makatarungang opisyal ay pangako ni Xi sa kanyang ina.
 

Sa Spring Festival noong 2001, tinawagan ni Qi Xin si Xi Jinping, para ipaabot ang kanyang pangungumusta at pag-asa. Hinimok ni Qi ang kanyang anak na dapat pagbutihin ang sariling gawain, dahil saka lamang ito magiging responsable sa mga mga magulang, sariling pamilya at sa sarili niya mismo.

Xi Jinping at kanyang ina: Pangako ng dalawang henerasyon ng kasapi ng CPC_fororder_20210508XiJinping5

Pagpapauna ng mga mamamayan, at pagpapanatili ng diwa ng pagsisigasig ng isang miyembro ng CPC, ito rin ang pangako ni Xi sa kanyang ina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method