Nakipag-usap sa telepono kahapon, Mayo 7, 2021, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Felix Tshisekedi ng Democratic Republic of the Congo (DRC), kasalukuyang bansang tagapangulo ng Unyong Aprikano (AU).
Tinukoy ni Xi, na ang DRC ay mahalagang katuwang ng Tsina sa Aprika. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng DRC, na palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Ipinahayag din ni Xi ang pagsuporta ng Tsina sa mga gawain ng DRC bilang bansang tagapangulo ng AU. Umaasa aniya siyang palalakasin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, para pasulungin ang relasyon at kooperasyong Sino-Aprikano.
Positibo naman si Tshisekedi sa kooperasyon ng DRC at Tsina sa iba't ibang aspekto.
Pinasalamatan niya ang Tsina sa pagbibigay-tulong nito sa mga bansang Aprikano sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Nakahanda rin aniya ang panig Aprikano, kasama ng panig Tsino, na isakatuparan ang bagong pag-unlad ng kanilang relasyon at kooperasyon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Patakarang Tsino sa Aprika, matapat: tulong kontra COVID-19, ipinadala sa Comoros
Napakatibay ng damdamin ng pagkakaibigang Sino-Aprikano - Wang Yi
Tsina, walang patid na tumutulong sa mga bansang Aprikano sa pagbawas ng utang
Tsina at Sierra Leone, nagpalitan ng pagbati kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko