Ang mga kabataan ay simbolo ng pag-asa at ating kinabukasan.
Sa okasyon ng taunang Araw ng mga Kabataan ng Tsina na natatapat ngayong araw, Mayo 4, 2021, nais naming ibahagi ang maiikling kuwento hinggil sa mga kabataang Tsino, mula sa iba’t ibang sektor at iba’t ibang lugar ng bansa.
Kabilang sa kanila ang pinakabatang komander ng paglulunsad ng spacecraft, kilalang influencer sa livestream e-commerce, Vlogger na lumikha ng Guinness World Record, sikat na TV host galing sa Xinjiang, at binatang Tibetano bilang sugong panturismo.
Kabataang karapat-dapat na pakinabangan
Ang panahon ng kabataan ay dapat gugulin sa pamamagitan ng pagpupunyagi.
Ito ang sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at ang kanyang karanasan ay nagpapatunay sa mga salitang ito.
Noong Enero 1969, walan pang 16 taong gulang si Xi nang nagtungo siya sa Liangjiahe, nayon sa lalawigang Shaanxi sa dakong hilaga ng Tsina. Pitong taon siyang namuhay at nagtrabaho roon kasama ang mga lokal na magmasasaka.
Si Xi noong nasa kabataan
Aniya,“Nang una akong tumapak sa Shaanxi sa edad 15 anyos, di ko alam kung saan patutungo ang buhay ko, pero, nang umalis ako roon sa 22 taong gulang, mayroon na akong matatag na direksyon sa buhay at lipos na kompiyansa. ”
Pinakabatang komander sa Wenchang Spacecraft Launch Site
Noong Nobyembre 2020, kasabay ng paglunsad ng Tsina ng Chang’e-5 spacecraft para mangolekta ng mga sample mula sa Buwan, naging sikat na sikat si Zhou Chengyu, pinakabatang komander sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa lalawigang Hainan sa dakong timog ng bansa.
Ang 24 taong gulang na si Zhou ay ikatlong komander sa naturang spacecraft launch site.
Sa katotohanan, ang mga kabataan na tulad ni Zhou ay nagsisilbing pangunahing puwersa para sa walang-humpay na pag-unlad ng usaping pangkalawakan ng Tsina.
Si Zhou at mga kasamahan
Kilalang influencer sa livestream e-commerce
Ang 37 taong gulang na si Wei Ya at ang 29 taong gulang na si Li Jiaqi ay ang dalawang pinakakilalang influencer sa livestream e-commerce sa Tsina.
Anila, ang kanilang tagumpay ay bunga ng tiwala ng mga mamimili at ng walang-sawang pagpupunyagi.
Sina Wei Ya (kaliwa) at Li Jiaqi sa panayam sa CCTV.
Vlogger na lumikha ng Guinness World Record
Ang Vlogger sa larangan ng pagkain at buhay na si Li Ziqi ay isinilang sa isang nayon sa dakong timog-kanluran ng Tsina noong 1990.
Nitong nagdaang Pebrero, 2021, pumalo sa 14.1 milyon ang mga subscriber ng YouTube account ni Li. Nalikha ng dalagang Tsino ang Guinness World Record para sa pinakamaraming subscriber para sa isang tsanel sa wikang Tsino sa YouTube.
Si Li Ziqi
Kilalang TV host galing sa Xinjiang
Ang 38 taong gulang na si Nigemati Reheman ay galing sa Xinjiang Uygur Autonomous Region, Tsina. Siya ay kilalang host ng China Central Television.
Si Nigemati
Para kay Nigemaiti, ang pinakamahalagang katangian ng mga kabataan ay pagkakaroon ng responsibilidad.
“Bilang TV host, kailangan kong mainam na pakinggan ang iba, magsabi ng katotohanan, at pahalagahan at arugain ang mga tao sa paligid ko,” dagdag pa niya.
Binatang Tibetano, Sugong Panturismo
Ang 20 taong gulan na si Ding Zhen na kilala rin bilang Tamdrin sa wikang Tibetano ay galing sa Litang County, Tibetan Autonomous Prefecture, Garze, lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Si Ding Zhen
Kilala si Ding Zhen sa buong Tsina dahil sa kanyang mga dalisay na mata at maliwanag na ngiti.
Siya ay nagsisilbi ngayong Embahador na Panturismo ng Litang.
Sa ilalim ng temang pangangalaga ng Planetang Mundo, inanyayahan ng United Nations Development Program (UNDP) si Ding Zhen na, lumahok at magtalumpati sa Beijing, Tsina noong bisperas ng Earth Day, Abril 22, 2021.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Ding Zhen ang kuwento hinggil sa kanya at alagang-kabayo niya. Inimbitahan din niya ang mga tao na pumunta sa kanyang lupang-tinubuan na Litang para makisalamuha sa kalikasan. Nanawagan din ang binatang Tibetano sa sama-samang pangalagaan ang maiilap na hayop.
“Panahon na para sa kalikasan,”ani Ding Zhen sa wikang Ingles.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Pangulong Xi sa mga kabataang Tsino: Ipakita ang kulay ng kabataan sa pamamagitan ng pagsisikap
Mga kabataan, may mahalagang papel sa pagpigil ng pagkalat ng pandemiya—Direktor Heneral ng WHO
Sa ngalan ng kabataan: Wang Mengmeng, nananatili sa nayon para sa usapin ng poverty alleviation
Mga kabataang Tsino, hangad na makaraos sa pandemya ang mga kaibigang Pilipino