Sinimulan nitong Huwebes, Marso 18, 2021 ang COVID-19 vaccine rollout ng Malaysia, gamit ang mga bakunang idinebelop ng Sinovac Biotech Company Limited ng Tsina.
Si Khairy Jamaluddin, Ministro ng Siyensiya, Teknolohiya at Inobasyon ng Malaysia ang unang nagpaturok ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Pagkatapos ng pagbabakuna, sinabi niyang ang mga bakuna ng Sinovac ay nakakuha ng awtorisasyon ng paggamit at malawakang itinurok sa maraming bansa, at napatunayan na ang kaligtasan at bisa ng bakunang ito, kaya maaaring magpaturok nang may kapanatagang-loob ang mga mamamayang Malaysian ng bakuna ng Sinovac.
Salin: Vera
Pulido: Mac
PM ng Pakistan, nagpaturok ng bakuna ng Sinopharm kontra COVID-19
Ikatlong pangkat ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating ng Hungary
Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang
Tsina at Malaysiya: Lalo pang pauunlarin ang bilateral na relasyon