Halos 24 milyon, kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India

2021-05-13 16:20:09  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Huwebes, Mayo 13, 2021 ng Ministri ng Kalusugan ng India, halos 24 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa, habang lumampas na sa 258,000 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Halos 24 milyon, kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India_fororder_20210513India

Ipinalalagay ng mga dalubhasa na ang paglitaw at mabilis na pagkalat ng mutasyon ng coronavirus ay isa sa mga sanhi ng napakabilis na paglala ng kalagayan ng pandemiya sa India.
 

Tinukoy nitong Miyerkules ng World Health Organization (WHO) na, ang B.1.617 variant na pinakamaagang naiulat ng India ay kumakalat sa 44 na bansa’t rehiyon, at ito ay inilakip na ng WHO bilang variant na kailangang bigyang-pansin.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method