Tsina, nakikipagkoordina sa mga kompanya upang makatugon sa pangangailangan ng India sa pagbili ng mga materyal kontra pandemiya

2021-04-28 13:06:32  CMG
Share with:

Kaugnay ng malalang sitwasyon ng pandemya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa India, sinabi nitong Martes, Abril 27, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakikipagkoordina ang panig Tsino sa mga kompanya, upang aktibong makatugon sa pangangailangan ng India sa pagbili ng mga materyal kontra pandemiya na gaya ng oxygen concentrators.
 

Aniya, inihayag agad ng panig Tsino ang kahandaang ipagkaloob sa panig Indiano ang mga kinakailangang suporta at tulong, para katigan ang paglaban ng India sa bagong round ng pandemiya.
 

Diin ni Wang, nakahanda ang Tsina na isagawa ang kooperasyon kontra pandemiya sa panig Indiano, sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Nananalig aniya siyang tiyak na pagtatagumpayan ng India ang pandemiya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method