Kaugnay ng ulat ng dayuhang media na pinalalaki ang umano’y napipintong demographic crisis ng Tsina, tinukoy nitong Miyerkules, Mayo 12, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa bawat masusing panahon ng pag-unlad ng Tsina, ginagawa ng mga bansang kanluranin ang iba’t ibang pagtasa at pagtaya sa Tsina, at lumilitaw ang iba’t ibang pananalita, pero kasabay ng tuluy-tuloy na pag-unlad ng Tsina, ang lahat ng ganitong mga pananalita ay humihiya lamang sa kanilang sarili, sa harap ng katotohanan.
Saad ni Hua, ayon sa mapagkakatiwalaang datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng bansa, nasa 1.41178 bilyon ang kabuuang populasyon ng Tsina ngayon, at napapanatili ang tunguhin ng mabagal na paglaki. Pinakamalaki pa rin sa daigdig ang populasyon ng Tsina.
Aniya, sa ika-14 Panlimahang Taong Plano ng Tsina, malinaw na iniharap nitong dapat pasulungin ang pagsasakatuparan ng angkop na fertility level, pagaanin ang gastos ng mga pamilya sa panganganak, pag-aaruga at pagpapa-aral, at pasiglahin ang potensyal ng childbearing policy.
Salin: Vera
Pulido: Mac