Kaugnay ng tangka ng ilang pulitikong Amerikano na makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa pamamagitan ng Winter Olympic Games, inihayag nitong Huwebes, Mayo 13, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang buong tatag na pagtutol ng panig Tsino sa pagsasapulitika ng palakasan.
Saad ni Hua, ang manipulasyong pulitikal kalaunan ay makakapinsala sa karapatan ng mga atleta ng iba’t ibang bansa sa patas na kompetisyon. Imposibleng magtagumpay ang ganitong tangka ng mga pulitikong Amerikano, sa halip, buong tatag na tututulan ito ng komunidad ng daigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Tsina sa Amerika: Komprehensibong ipaliwanag ang aktibidad na bio-military sa loob at labas ng bansa
Tsina, aktibong nakikipagkooperasyon sa mga dayuhang bansa sa larangan ng karapatang pantao
Pulong hinggil sa Xinjiang na inorganisa ng Amerika, kalapastanganan sa UN - Tsina
Programa ng pagsusuri ng yelo para sa Beijing Winter Olympics, sisimulan
White House: hindi nagbabago ang plano ng Amerika sa pagsali sa Beijing Winter Olympics