Ipinahayag nitong Lunes, Mayo 10, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na aktibong nakikipagdiyalogo at nakikipagkooperasyon ang Tsina sa iba’t-ibang bansa ng daigdig sa larangan ng karapatang pantao.
Ito aniya ay upang tulungan at suportahan ang malawak na masa ng mga umuunlad na bansa sa pagpapaunlad ng kabuhayan at magbigay pakinabang sa mga mamamayan ng mga kaukulang bansa.
Tinukoy ni Hua na ginagamit ng Amerika ang katuwiran ng karapatang pantao para labagin ang karapatang pantao.
Halimbawa, ani Hua, sa panahon ng pandemiya ng COVID-19, binalewala ng Amerika ang aktuwal na pangangailangan ng mga bansang gaya ng Cuba, Venezuela, Syria, at Iran sa pagpigil sa pandemiya at pagliligtas ng buhay ng mga mamamayang.
Ipinataw rin aniya ng Amerika ang unilateral na sangsyon at blokeyo sa nasabing mga bansa, bagay na grabeng nagsasapanganib sa karapatan ng buhay, kalusugan, at kaunlaran ng mga mamamayang lokal.
Salin: Lito
Pulido: Rhio